Part 1: Ang Alamat ng Maraming Kinds of Love (as told by Leo Valencia)
Noong unang panahon, wala pang maraming kinds of love. Ang meron lang, love.
Isang araw ng Linggo, dumulog si Love sa opisina ni Bathala. Sabi nya, “Dear Bathala, hindi ko na po talaga kaya. Mabubuang na ako. I resign.”
Tinanong ni Bathala si Love, “Bakit?”
“Pagod na pagod na ako,” sabi ni Love. “Mag-isa lang ako, ang dami-daming humihiling, ang daming nagdadasal, ang daming nagpapasalamat, ang daming nagda-doubt, ang daming umaasa, ang daming nasasaktan. Sabay-sabay. Umaga hanggang gabi, Lunes hanggang Linggo.”
“Hay naku, ikaw nga si Love,” sabi ni Bathala. “Walang kaduda-duda, tatanga-tanga. Wag puro puso ang ginagamit. Bakit hindi ka mag-delegate? Share a piece ofyourself.”
“OK po, noted,” sabi ni Love.
Para sa mga batang nag-aakalang nahanap na nila si The One, pumitak si Love mula sa kanyang heart at dito nabuo si Puppy Love.
Para sa mga mabilis ma-fall, pumitak ulit si love at nabuhay si Love at First Sight.
Para sa mga bigay nang bigay pero walang nakukuhang pabalik, pinangalanan niya itong Unrequited Love.
At nagkaroon ng maraming kinds of love. Andyan na si Platonic Love. Blind Love. Self-Love. Stupid Love. Pero lahat sila valid. Lahat sila true love.
Isang araw, pumitak ulit si Love mula sa puso nya. Hindi niya ito mapangalanan dahil itong love na ito is unlike any other. Napansin niya, lagi itong naeetsapwera, laging hinuhusgahan, parang hindi tanggap ng karamihan. Hindi raw ito true love, sabi ng iba.
Kinabahan si Love.
Dumulog ulit sya kay Bathala. Sabi nya, “I think may mali akong nagawa. Hindi ko alam ang itatawag dito dahil parang hindi ito katulad sa ibang mga love. Tingnan mo, Bathala.”
“No need,” sabi ni Bathala. “I’m sure walang mali sa kanya. Final answer.”