Explore every episode of the podcast Raqi’s Secret Files
| Title | Pub. Date | Duration | |
|---|---|---|---|
| May pagnanasa sa‘kin ang Boyfriend ng Mama ko | 30 Sep 2026 | 00:15:46 | |
Ibinahagi ng sender ang kanyang kwento tungkol sa jowa ng kanyang nanay na may pagtingin din sakanya at palagi siya nitong pinagmamasdan sa tuwing dadalaw ito sa palengke. Ito ang secret file ni ISAY. | |||
| Humingi ng siya tawad sa kasalanang hindi niya ginawa | 29 Sep 2026 | 00:06:07 | |
Mapapa-sana all ka na lang talaga kasi 'yung ibang tao riyan, kahit kasalanan nila, wala kang sorry na makukuha! Hmp! Charot with harot! | |||
| Tatlong dekada niya akong hinintay | 29 Sep 2026 | 00:27:30 | |
Ibinahagi ng sender na for the longest time, ni-re-reject niya ang kaibigan niya. Hindi niya naman kasi type! Pero sa paglipas ng mahigit tatlong dekada, muling nagtagpo ang kanilang landas at doon niya napagtanto na ang taong lagi niyang itinutulak palayo ay matagal na palang naghihintay sa kaniya. Mapagbigyan niya kaya ang pag-ibig na may tiyaga? Ito ang secret file ni Hannah. | |||
| Nagpabembang sa iba si Misis kaya siya nabuntis | 28 Sep 2026 | 00:19:01 | |
Ibinahagi ng sender na masaya na ang pamilya nila ng asawa kasama ang dalawa nilang anak. Pero nang magtrabaho ang misis sa Batangas, unti-unting nagbago ang lahat. Nalaman niya na nagpabembang sa iba ang misis niya kaya nabuntis ulit ito. Matanggap niya kaya ang paghingi ni misis ng kapatawaran? Ito ang secret file ni Jimboy. | |||
| Hinarap ko ang pagsubok ng babaeng nakapulang bikini | 27 Sep 2026 | 00:14:58 | |
Ibinahagi ng sender na isang utos mula sa kaniyang ama ang nagsimula ng malaking pagsubok sa buhay niya. Isang sexy na babaeng nakapulang bikini ang bumungad sa kaniya dahil sa utos na ito!! Kayanin niya kaya ang hamon? Ito ang secret file ni Jepjep. | |||
| Anong kasalanan ko para pati mga anak ko ay magdusa? | 27 Sep 2026 | 00:06:37 | |
Wala nang mas sasakit pa sa pakiramdam ng isang magulang na nakikita ang anak niyang nahihirapan. Gets na gets 'yan ng mga Kabisyo nating ginagawa ang lahat para sa mga anak nila! | |||
| Pinagbintangan niya ako na ginalaw ko raw siya | 24 Sep 2026 | 00:15:01 | |
Ibinahagi ng sender ang naging resulta ng pagmamabuting-loob niya—pinagbintangan siya ng kaibigan niya na ginalaw niya raw ang asawa nito. Ngayon, sira na ang relasyon nila at naiwan sa kanya ang isang tanong: bakit niya ang kailangang pagbayaran sa isang bagay na hindi naman niya ginawa? Ito ang secret file ni James. | |||
| Ginawa ko naman ang lahat, pero bakit 'di pa rin sapat? | 24 Sep 2026 | 00:07:41 | |
Sabi nila, kung para sa'yo, para sa'yo. Kung hindi, ipilit mo! Hahaha! Charot with harot! | |||
| Nagbebemb*ng kami ng Ex ko habang may GF siya | 23 Sep 2026 | 00:19:22 | |
Ibinahagi ni Rhian na kahit 5 years na silang magjowa, hindi pa rin niya mahanap ang lugar niya sa buhay ng boyfriend niya. Ang mas masakit dito, nagkahulihan pa sila sa beerhouse. Sabi ng jowa niya, boys night out lang 'yun—hanggang kailan paniniwalaan ni Rhian ang white lies ng boyfriend niya at ng mga kaibigan nitn? | |||
| Napaluhod ako sa harap ng asawa ko dahil sa mensaheng natanggap ko | 22 Sep 2026 | 00:08:24 | |
Ano nga ba ang sukatan ng pagiging isang mabuting magulang? Hindi ka na ba mabuting ama kung hindi mo kayang ibigay ang lahat para sa iyong pamilya? Ikaw, anong kwentong BP mo? Comment na! From small wins to big wins, BingoPlus celebrates every facet of winning in life. Activate your millionaire energy and start manifesting your millionaire era, because every real winner has a real story - and the next story could be yours! Share your winning story now and receive up to ₱5,000 credits in rewards! Link: https://forms.gle/DtcxQxbffw543W6p7 | |||
| Isa akong sundalo na napalaban sa ibang bakbakan | 21 Sep 2026 | 00:12:43 | |
Ibinahagi ng sender, isang corporal ng Philippine Army sa Eastern Command ng Davao, ang kaniyang karanasan sa kakaibang bakbakan. Sabi nga nila, “All is fair in love and war,” at damang-dama niya ngayon ang kalupitan ng pag-ibig. May kakahantungan kaya ang paghahabol niya sa isang taong hindi sigurado sa kaniya? Ito ang secret file ni Sarge. | |||
| Natikman ko na ang marshmallow ng classmate ko | 20 Sep 2026 | 00:14:31 | |
Ibinahagi ng sender ang isang sikretong matagal niya nang itinatago—bata pa lang siya noon, pero natikman niya na ang marshmallow ng kaniyang kaklase! Ano kayang patutunguhan ng isang relasyong nabuo sa tikiman? Ito ang secret file ni Anna Joy. | |||
| Pinilit niyang ipalaglag ko ang anak namin | 17 Sep 2026 | 00:16:09 | |
Ibinahagi ng sender na ang taong itinuring niyang parang kuya ay may madilim pala na balak sa kaniya. Nang mabuntis siya nito, inakusahan pa siya ng lalaki na hindi raw sa kaniya ang anak kaya gustong itigil ang pagbubuntis niya. Hanggang kailan niya ipapahamak ang buhay niya at ng kaniyang pamilya? Ito ang secret file ni Jelai. | |||
| Naging Sugar Mommy ako for seven years | 16 Sep 2026 | 00:18:45 | |
Ibinahagi ng sender lahat. As in lahat, Kabisyo. Paano, eh, sugar mommy raw siya ng boyfriend niya! Umabot pa sa puntong nagpatayo siya ng motor shop dahil pangarap daw ito ng boyfriend niya, pero ibang babae na pala ang minemekaniko ng boyfriend niya. Sapat na kaya ang seven years para matauhan siya? Ito ang secret file ni Winnie. | |||
| Si Mama at Papa ang nasusunod sa kasal ko | 15 Sep 2026 | 00:14:41 | |
Ibinahagi ng sender ang kaniyang excitement tungkol sa nalalapit niyang kasal, pero mukhang hindi lang siya ang may plano! Ramdam na niya ang pressure ng kaniyang mga magulang—ang tanong, hanggang saan ba ang impluwensiya nila sa kasal niya? Ito ang secret file ni Aika. | |||
| Nakainom ako ng ipinagbabawal na gamot | 13 Sep 2026 | 00:10:32 | |
Ibinahagi ng sender na habang inaalagaan niya ang kapatid niyang na naka-confine sa ospital, isang poging nurse ang lumapit at binigyan siya ng asul na tableta. Ano kayang kahahantungan ng pag-inom niya ng ipinagbabawal na gamot? Ito ang secret file ni Paola. | |||
| Intern ako, pero si Manager ang sumisipsip sa‘kin | 10 Sep 2026 | 00:17:14 | |
Ibinahagi ng sender, isang 23-anyos na intern, na nagkaroon siya ng relasyon sa 55-anyos niyang manager. Hanggan saan kaya hahantong ang pakikipagrelasyon niya sa isang lalaking pamilyado na? Ito ang secret file ni Sofia. | |||
| Ikakasal na ako, pero mahal ko pa rin ang Ex ko | 09 Sep 2026 | 00:15:20 | |
Ibinahagi ng sender ang kanyang kwento ng tungkol sa mga naiwang emosyonal na sugat at mula sa nakaraang relasyon habang naghahanda sa pagsisimula ng bagong buhay kasama ang kanyang kasalukuyang fiancé. Hanggang kailan siya mumultuhin ng ex niya? Ito ang secret file ni Ann. | |||
| Si Biyenan ang kontrabida sa buhay namin | 08 Sep 2026 | 00:23:11 | |
Ang letter sender ay isang inang handang gawin ang lahat para mailigtas at ipaglaban ang kanyang anak, kahit pa harapin niya ang takot, hirap sa pera, at masasakit na salita mula sa sariling pamilya ng kanyang asawa. Sa kabila ng lahat, pinatunayan niyang walang pagsubok ang kayang tumbasan ang lakas ng pagmamahal ng isang ina. Ito ang secret file ni Lei. | |||
| Pinagsabay ko ang tropa at girlfriend ko | 07 Sep 2026 | 00:19:44 | |
Ibinahagi ng letter sender ang pagdadalawang-isip niya habang pinagsasabay ang kanyang girlfriend niya at ang katrabaho niya na pareho niyang minamahal sa kabila ng mga kinakaharap na komplikasyon. Hanggang kailan kaya siya magiging two-timer? Ito ang secret file ni Alex. | |||
| Nabighani ako ng misteryosong babae sa ilog | 06 Sep 2026 | 00:12:31 | |
Ang sender ay hindi inaasahang nakahanap ng pag-ibig matapos siyang mailigtas ng isang babae sa ilog. Dahil sa simpleng pagkakataong iyon, nagsimula ang kanilang pagkakaibigan na nauwi sa isang magandang relasyon, kahit magkalayo sila at may kanya-kanyang responsibilidad sa pag-aaral. Ito ang secret file ni Ralph. | |||
| Pinapakain ako ng kamao ng Asawa ko | 03 Sep 2026 | 00:19:12 | |
Ibinahagi ng ating sender na nadali siya ng lalaking magaling lang sa umpisa. Habang tumatagal, ang taong pinakasalan niya ay nag-iibang anyo pala. Hanggang kailan niya papanindigan ang pagiging asawa sa isang taong hindi naman nirerespeto ang pagkatao niya? Ito ang secret file ni Lyka. | |||
| Nahuli siyang kumakanta sa mikropono ng ibang lalaki | 03 Sep 2026 | 00:19:53 | |
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng komplikadong sitwasyon niya—isa siyang kabit kahit alam niyang may asawa at pamilya na ang kinakabitan niya. Ang problema, ginawa lang siyang kabit para makaganti sa kasalanang 'di naman siya ang gumawa. Hanggang kailan niya titiisin ang pagiging backup? Ito ang secret file ni Lex. | |||
| Mahal ko ang Best Friend ko, pero pangit kasi ako | 31 Aug 2026 | 00:16:42 | |
Ibinahagi ng ating letter sender na mula noon at hanggang ngayon, mahal niya na ang best friend niya. Ang tanging problema niya lang ay pangit daw siya. Hanggang kailan siya magiging insecure at dapat nga ba niyang i-ruin ang friendship? Ito ang secret file ni Mark. | |||
| Tiniis ko ang pagloloko niya kasi binuntis niya ako | 31 Aug 2026 | 00:19:53 | |
Ibinahagi ng sender ang na kahit paulit-ulit siyang niloko, pinipilit niyang kumapit dahil takot siyang maranasan ng kanyang mga anak ang hirap ng lumaki sa broken family. Hanggang kailan pipiliin ni Elise ang pamilyang matagal nang sira? | |||
| Kabit lang ako, pero ako ang gusto niyang ibahay | 26 Aug 2026 | 00:19:15 | |
Ibinahagi ng sender ang kanyang karanasan nang makipagrelasyon siya sa isang lalaking pamilyado na. Aminado naman ang lalaki niya na mas masarap daw kapag silang dalawa ang magkasama, kaya inaalok niya ito ng mahigit Php 15,000 para manatili lang sa kaniya. Hanggang kailan kaya matitiis niya ang setup na nakakasakit 'di lang sa kaniya, kun'di sa pamilya rin ng iba? Ito ang secret file ni Jay. | |||
| Si Papa ang nakauna sa‘kin imbes na asawa ko | 25 Aug 2026 | 00:16:20 | |
Ibinahagi ng sender ang madilim niyang nakaraan at kung paano ito patuloy na nanggugulo sa buhay-mag-asawa nila ngayon. Nahihirapan pa rin siyang magtiwala nang lubusan dahil sa mga sugat na iniwan ng kanyang pamilya at dating karelasyon. Hanggang kailan kaya bibitbitin ng sender ang masakit na katotohanang nauna ang papa niya imbes na asawa niya? Ito ang secret file ni Diva. | |||
| May kabit at pamilya na pala ang asawa kong OFW | 24 Aug 2026 | 00:17:39 | |
Ibinahagi ng sender ang masakit na karanasan niya bilang isang asawa ng OFW. Sa isang simpleng Facebook notification lang, nasira ang pamilyang inalagaan niya ng mahigit 11 years. Hanggang kailan titiisin ni Mae ang lahat ngayong nahuli niyang may kabit at pamilya na pala ang asawa niyang OFW? Ito ang secret file ni Mae. | |||
| Nahuli ko ang Girlfriend ko at ang Boy Best friend niya | 20 Aug 2026 | 00:13:33 | |
Ibinahagi ng sender ang isang masakit na katotohanan sa likod ng kanilang relasyon ng kaniyang girlfriend at ang boy best friend nito. Hanggang kailan niya kayang magbulag-bulagan sa harap ng katotohanang mas pinili ng girlfriend niya ang iba kaysa sa kanilang relasyon? Ito ang secret file ni Andy. | |||
| Inahas ko ang Boyfriend ng kumupkop sa‘kin at proud ako | 19 Aug 2026 | 00:12:34 | |
Ibinahagi ng Secret File Sender na ang pag-ibig ay nakakahibang talaga. Matapos siyang kupkupin ng isang pamilya abroad, nagawa niya pa rin silang suklian ng pagtataksil na ikakasira ng relasyon nila sa isa't isa. Hanggang kailan kaya magiging proud si Lia na inahas niya ang boyfriend ng kumupkop sa kaniya? Ito ang secret file ni Lia. | |||
| Ginagawa akong katulong ng pamilya ng partner ko | 18 Aug 2026 | 00:16:20 | |
Ibinahagi ng sender ang hirap na nararamdaman niya sa loob ng 13 taong pagsasama. Akala niya ay matitiis niya pa, pero habang siya ay naghihintay ng kasal at sariling tahanan, ang taong mahal niya ay parang walang balak ibigay ang mga ito. Hanggang kailan siya mananatiling sunud-sunuran sa relasyon nila? Ito ang secret files ni Glory. | |||
| Ginawa kong ATM ang mga kabit ko | 17 Aug 2026 | 00:16:08 | |
Ibinahagi ng Secret File sender ang sikretong matagal niya nang itinatago sa asawa niya. Sa likod ng kanilang pagsasama, may katotohanan na unti-unting nabubunyag sa bawat pagkakataong siya ay gipit sa pera. Hanggang kailan kaya niya mapagtatakpan na ginagawa niyang ATM ang mga kabit niya? Ito ang secret file ni Albert. | |||
| Iba ang nakabuntis sa Girlfriend ko, pero ako ang nag-alaga | 12 Aug 2026 | 00:18:49 | |
Ibinahagi ng sender ang isinakripisyo niya para sa maling tao. Sa kabila ng paulit-ulit na panloloko, sinubukan niya pa ring kumapit hanggang sa unti-unting mabunyag ang isang mas malalim at mas masakit na katotohanan. Ito ang secret file ni Kim. | |||
| Ka-eyeball ko kanina, ka-bullseye ko mamaya | 10 Aug 2026 | 00:18:45 | |
Ibinahagi ng sender ang kanyang kakaibang love story na nagsimula sa isang textmate at clan meetup noong 2006, kung saan nakilala niya si Jenny at agad nabuo ang kanilang koneksyon. Makalipas ang dalawampung taon, ang kanilang hindi pangkaraniwang simula ay nauwi sa habambuhay na pagmamahalan. Ito ang secret file ni Tukoy. | |||
| Nagbigay ako ng pera sa babaeng hindi ko pa nakikita | 31 Jul 2026 | 00:17:24 | |
Ibinahagi ng sender kung paano siya unti-unting nahulog sa isang babaeng nakilala lamang niya sa isang dating app. Dahil sa tiwala at pagmamahal na nabuo sa pagitan nila, hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ito sa oras ng pangangailangan. Ngunit sa unang pagkakataong nagkita sila nang personal, isang nakakagulat na katotohanan ang tuluyang nagpabago sa lahat. Ito ang secret file ni Jason. | |||
| Umaasa na lang ako sa himala para sa paggaling ng anak ko | 30 Jul 2026 | 00:16:49 | |
Ibinahagi ng sender ang masakit na paglalakbay nila bilang mga magulang matapos mapansing nahuhuli sa development ang kanilang anak na si Jim. Mula sa pag-asang normal lang ang lahat, isang diagnosis ang tuluyang nagpabago sa kanilang buhay at nagtulak sa kanilang kumapit sa pag-asa at himala para sa kinabukasan ng kanilang anak. | |||
| Hindi lang pera ang nawala kundi pati kapatid ko | 29 Jul 2026 | 00:14:31 | |
Isang retiradong ina ang buong pusong ipinagkatiwala ang kanyang retirement fund sa investment na ipinakilala ng sarili niyang anak. Ngunit nang mawala ang pera, kasabay rin nitong naglaho ang kanyang anak, na tuluyang umiwas at pinutol ang lahat ng komunikasyon. Sa huli, napilitan silang magsampa ng reklamo hindi dahil sa paghihiganti, kundi para ipaglaban ang tama. Isang masakit na kuwento ng pagtitiwala, pagtataksil, at pamilyang nasubok hindi lang ng perang nawala, kundi ng relasyong tuluyang nabasag. | |||
| Secretary ako ng Boss ko at kabit niya ako | 28 Jul 2026 | 00:10:27 | |
Ibinahagi ng ating sender kung paanong ang trabahong nakuha niya para tulungan ang pamilya ay naging dahilan para maging kabit siya. Ito ang secret file ni Lily. | |||
| Naglakas-loob lang ako noong ikakasal na siya sa iba | 24 Jul 2026 | 00:20:11 | |
Matagal nang lihim na minahal ng sender ang matalik niyang kaibigang, ngunit pinili niyang manahimik sa takot na masira ang kanilang pagkakaibigan. Habang hinihintay niya ang tamang panahon para umamin, may ibang lalaking dumating, minahal ng kaniyang iniibig, at nauwi pa sa kasalan. Bilang best friend, ang sender pa mismo ang naging saksi sa bawat hakbang ng babaeng mahal niya papalayo sa kanya. Ngunit sa mismong araw ng kasal, nang tanungin ng pari kung may tumututol sa pag-iisang dibdib, isang desisyon ang maaaring tuluyang magbago sa kapalaran nilang lahat. Ito ang secret file ni Rene. | |||
| Natatakot akong matulog sa tabi ng Asawa ko | 23 Jul 2026 | 00:14:30 | |
Ibinahagi ng sender ang takot na bumabalot sa kanya matapos siyang saktan ng sariling asawa sa kanilang honeymoon. Bagama't humihingi ito ng tawad at nagsisikap magbago, aminado siyang hanggang ngayon ay natatakot pa rin siyang matulog sa tabi ng lalaking minsang nagparamdam sa kanya ng panganib. Ito ang secret file ni Erica. | |||
| Nanloko ako ng iba para sa sugal | 22 Jul 2026 | 00:15:29 | |
Ibinahagi ng ating sender kung paano siya nalulong sa sugal hanggang sa naloko niya ang mga katrabaho at maging ang sarili niyang mga magulang para lamang may maipangtaya. Nang mawala ang lahat at mawalan na rin siya ng pag-asang mabawi ang kanyang buhay, isang tawag mula sa kanyang ina ang nagpabago sa kanyang isip at nagbigay sa kanya ng dahilan upang muling lumaban. Ito ang secret file ni Dennis. | |||
| Isang pagkakamali ang sumira sa kasal na pinapangarap ko | 21 Jul 2026 | 00:15:27 | |
Ibinahagi ng ating sender kung paano nasira ang pangarap nilang kasal matapos siyang magkamali sa isang gabing nalasing at nagtaksil sa kanyang fiancée. Nang magpositibo siya sa isang sexually transmitted infection, pinili niyang umamin sa lahat. Sa halip na galit, katahimikan at luha ang isinukli ng babaeng mahal niya kasabay ng desisyong tuluyan nang kanselahin ang kasal nilang matagal nilang pinangarap. Ito ang secret file ni Rambo. | |||
| Hindi natuloy ang kasal namin sa simbahan dahil sa pamilya ko | 17 Jul 2026 | 00:19:14 | |
Ibinahagi ng ating sender kung paano nauwi sa secret civil wedding ang pangarap nilang church wedding matapos makialam ang kanyang pamilya sa halos bawat detalye ng kasal. Sa halip na hayaan ang iba ang magdikta sa kanilang buhay, pinili nila ng fiancé niyang si Warren na unahin ang kanilang kapayapaan kahit pa nauwi ito sa sama ng loob at galit ng sarili niyang ina. Ito ang secret file ni Candy. | |||
| Noong nawala si Ate, doon lang namin nalaman ang sikreto niya | 16 Jul 2026 | 00:23:21 | |
Ibinahagi ng ating sender ang masakit na kuwento ng biglaang pagkamatay ng kanyang ate na si Jasni matapos lumala ang inaakala nilang simpleng impeksyon. Habang pilit nilang ipinagdarasal ang paggaling nito, isang lihim ang unti-unting nabunyag matapos ang kanyang pagpanaw isang sikretong hindi nila inakalang matagal na pala nitong kinikimkim. Ito ang secret file ni Rocky. | |||
| May inggiterang kapitbahay ako na ipinagtanggol ng partner ko | 15 Jul 2026 | 00:15:07 | |
Ibinahagi ng sender ang kanyang sama ng loob matapos siyang maging sentro ng tsismis ng isang kapitbahay na umano'y naiinggit sa kanya. Ngunit higit siyang nasaktan nang ang sarili niyang live-in partner ang nagtanggol sa kapitbahay. Kalaunan, nalaman niyang dating magka-live in ang dalawa, dahilan upang lalo siyang magduda at magtanong kung mali bang masaktan dahil hindi siya ang piniling kampihan ng taong mahal niya. Ito ang secret file ni Gloria. | |||
| Nahuli ko ang Asawa ko na nakad*d* sa Hipag ko | 14 Jul 2026 | 00:12:39 | |
Ibinahagi ng sender ang masakit na karanasan nang mahuli niya ang kanyang asawa sa isang hindi inaasahang sitwasyon kasama ang kanyang hipag—ang mismong taong pinagkatiwalaan niyang tumulong sa pag-aalaga at pagpapasuso sa kanilang sanggol. Dahil sa hirap ng buhay at kawalan ng ibang matutuluyan, lalo siyang nalilito kung pipiliin pa bang ilaban ang kanilang pamilya o unahin na lamang ang kapakanan nila ng kanyang anak. Ito ang secret file ni Regine. | |||
| Isinakdal ko ang sarili kong anak para sa ikabubuti niya | 10 Jul 2026 | 00:19:55 | |
Ibinahagi ng sender ang masakit niyang karanasan bilang isang solo parent na buong pusong pinalaki ang kaisa-isa niyang anak matapos silang iwan ng ama nito. Habang lumalaki si Juancho, unti-unti niyang napansin ang pagiging sinungaling, tuso, at mapanlamang nito. Sa kabila ng lahat ng pangaral at disiplina, dumating ang puntong napilitan siyang isakdal ang sarili niyang anak, sa paniniwalang iyon ang tanging paraan para maituwid ang landas nito at mailigtas sa mas malaking kapahamakan. Ito ang secret file ni Nerissa. | |||
| Ginamit lang ako para guminhawa ang buhay nila | 09 Jul 2026 | 00:21:53 | |
Ibinahagi ng sender ang kwento kung paano siya naniwalang nakatagpo na ng panibagong pag-ibig matapos ang isang bigong relasyon. Ngunit habang nagpapakahirap siya sa abroad para sa kinabukasan ng kanilang pamilya, unti-unti niyang natuklasang ang mga pangarap at pinaghirapan niya ay napupunta pala sa unang pamilya at sa iba pang babae ng kanyang asawa. Sa kabila ng paulit-ulit na pagtataksil at pagpapatawad, isang balita ang dumating na inakala niyang tuluyan nang magbabago sa kanyang asawa. Ito ang secret file ni Athena. | |||
| Ang awa naming mga Anak ang ginamit niya | 08 Jul 2026 | 00:19:05 | |
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng muling pagbabalik ng amang matagal nang nang-iwan sa kanilang pamilya. Dahil sa awa, tinanggap nila ito matapos sabihin na hindi na ito makalakad at kailangan ng pag-aaruga. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, isang madaling-araw na eksena ang nagbunyag ng isang nakakagulat na katotohanan na muling sumira sa tiwalang pilit nilang ibinabalik. Ito ang secret file ni Pamela. | |||
| Kaya raw ako dalhin sa Amerika basta pakasalan ko lang daw siya | 07 Jul 2026 | 00:18:52 | |
Ibinahagi ng sender ang kwento ng kanyang childhood friend na lihim palang nagmahal sa kanya sa loob ng maraming taon. Akala niya ay simpleng pagkakaibigan lang ang namamagitan sa kanila, ngunit isang pag-amin ang nagbunyag na siya pa rin ang mahal nito kahit may sarili na itong pamilya. At nang muli silang magkausap, isang alok ang tuluyang nagpayanig sa kanyang puso isang pangakong dalhin siya sa Amerika at pakasalan kung bibigyan niya ito ng pagkakataon. Ito ang secret file ni Kaye. | |||