Explorez tous les épisodes du podcast The Linya-Linya Show
| Titre | Date | Durée | |
|---|---|---|---|
| 373: Pagtaya, Pagtula, at Palawan w/ Dr. Ralph Fonte | 26 Sep 2025 | 01:44:13 | |
Mga ka-linya, iba naman setup natin ngayon. Wala tayo sa Linya-Linya HQ, at wala rin sa TPN Studio. Nandito tayo ngayon sa gitna ng ganda, ginhawa, at hiwaga ng Puerto Princesa sa Palawan. At syempre, special din ang guest natin. Hindi lang basta writer, hindi lang basta doktor. He’s both — isang makata at manggagamot. Award-winning poet, essayist, lyricist, performance poet, at Medical Doctor for Public Health. Laki sa Maynila, pero may roots din ang pamilya sa Cuyo, Palawan. Finalist ng National Book Award ang kanyang librong Ang Kartograpiya ng Pagguho, at ilang beses nang kinilala sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Mga kaibigan, kasama natin ngayon — Doc Ralph Fonte, a.k.a. Doc Loaf! Malaman ang kwentuhan natin kasama sya-- tungkol sa kasaysayan at kagandahan ng Palawan, sa naging lakbay nya sa larangan ng medisina at literatura, sa halaga ng mga salita, ng mga kuwento, ng pagtulak sa mga adbokasiya't mga ipinaglalaban. Naibahagi nya rin ang isinasagawa nilang taunang Pawikaan Writers Workshop, para sa tuloy-tuloy na paglinang sa pagsusulat ng mga Palaweño. Samahan nyo kami ni Doc Loaf sa kwentuhang ito. Listen up, yo! | |||
| 372: Ang Buhay Ay Laging May Punchline w/ Nonong Ballinan | 22 Sep 2025 | 01:41:52 | |
PEPEPEM!!! After 7 long years, nakabalik na sa The Linya-Linya Show—at this time, solong-solo na natin—ang actor, stand-up comedian, Comedy Manila at The KoolPals legend: Nonong Ballinan! BOOM! Ilan sa mga napag-usapan namin: Journey niya mula simpleng komedyante hanggang maging bahagi ng #1 comedy podcast sa Pinas, at pag-perform sa maliliit na venue hanggang umabot na ngayon sa New Zealand! Umabot din ang usapan sa pagsakay sa bus sa kahabaan ng Commonwealth, hanggang lumapag sa Novaliches, at bakit dapat maging taas-noo at proud ang mga taga-Nova. Naks! Ang kwento sa likod ng linya niyang “Ang Buhay ay Laging May Punchline”— at kung paano niya isinasabuhay ang aral na ito. Syempre, ang collaboration with Linya-Linya— mula event hanggang merch! Mahaba, kwela, pero makabuluhan ang kwentuhan with Nonong. Listen up, yo! | |||
| 363: Bara-Bara - Ikaw ba si… w/ K-RAM | 18 Jul 2025 | 02:05:04 | |
IKAW BA SI… teka. Kilala at kalat na ang pangalang K-Ram bilang battle emcee, pero kilala nga ba talaga natin sya? Sa bagong episode ng Bara-Bara, ang podcast collab ng Linya-Linya at FlipTop Battle league, kasama natin ang well-rounded, makulit na komedyante, at malupit na freestyler na si K-RAM! Ano nga ba ang pinagmulan ng kanyang passion sa hip hop at battle rap? Ano-ano ang mga ginawa niya noon bago nadiscover ang talento nya sa pagbanat ng freestyle? Ano ang real score sa kanila ni Anygma, at bakit nga ba sya ang paborito ni Boss? Haha. Nakilala rin si K-Ram sa kanyang pagiging mabuting tropa. Ano nga ba ang tips nya sa tunay na pagkakaibigan? Tara. Listen up, yo! | |||
| 273: Tapang at Katotohanan sa Panahon ng Pagpatay w/ Patricia Evangelista [VIDEO] | 09 Nov 2023 | 01:24:25 | |
Hindi sikreto ang mga nangyaring patayan at pagpatay noong nakaraang administrasyon. Noong mga panahong iyon, laman ito ng mga balita. Sa harap nito, at sa kabila ng panganib na dala ng pagtatala at paghahayag ng mga nangyari, may matatapang na journalists na on-the-ground kinakalap ang masasaklap pero totoong mga kwentong ito– mula mismo sa mga biktima, pati na ang mga naging bahagi ng mga pagpaslang. Sa ikalimang taon ng #TheLinyaLinyaShow, mapalad tayong makasama at makausap ang Filipina writer, trauma journalist, former investigative reporter for Rappler, at ang author ng recently launched and widely acclaimed book na “Some People Need Killing: A Memoir of Murder in My Country” na si Patricia Evangelista. Tungkol sa karanasan at proseso ni Pat bilang isang manunulat at mamamahayag. Tungkol sa pagkalap at pagbabahagi ng kwento– sa parehong written and visual storytelling. Tungkol sa papel ng journalism sa mundo. Tungkol sa tapang. Tungkol sa paglalahad ng katotohanan. | |||
| 272: The Lima-Linya Show: Hear for it Live Podcast w/ Ranze & Jed | 06 Nov 2023 | 00:31:47 | |
Akalain mo ‘yun!? Limang taon na ang kulitan at kwentuhan, mula sa mga araw-araw na buhay hanggang sa mga pinaka-pinahahalagahan nating mga bagay. Nagkaroon na ng pandemya, bumalik na sa ating opisina't silid-aralan, na-traffic na ulit, hanggang sa ang dating Zoomustahan online ng Fellow-22s ay naging F2F Christmas Party na rin! Ang dami na nangyari sa loob ng limang taon-- mula sa pagbabasa ng maiikling kwento sa loob ng kwarto, umabot na nga sa Glorietta ang entablado! BOOM! Samahan niyo kami sa isang mabilis na trip down memory lane kasama ang dalawa sa OG fellow-22s na sina Ranze Calderon at Jed Violeta, sa special live pod episode sa Hear For It: The First Podcast Festival in the PH with Anima Podcasts! Listen up ‘yo! It’s the Lima-Linya Show! | |||
| 271: HARDCORE HIPHOP & REAL TALK w/ ANYGMA (Part 2) | 31 Oct 2023 | 00:51:02 | |
Para sa Round 2, mag-ingay para kay Anygma!
Kasama pa rin natin ang founder ng world’s most-viewed rap battle league na FlipTop, at co-founder ng independent record label na UPRISING– si Alaric Yuson!
Ito na ang last part ng ating no-holds-barred kwentuhan. Samahan niyo kami sa isa pang solid na oras ng real talk at deep dive sa mundo ng hiphop at iba pang mga pananaw sa buhay!
Listen up ‘yo!w
#TheLinyaLinyaShow
| |||
| 270: HARDCORE HIPHOP & REAL TALK w/ ANYGMA (Part 1) [VIDEO] | 29 Oct 2023 | 00:59:44 | |
Yo! Sa tapat ko, mula pa Mandaluyong City para sa inyo, isang emcee, ang founder ng world’s most-viewed rap battle league na FlipTop, at co-founder ng independent record label na UPRISING– mag-ingay para kay ANYGMA!
Dalawang oras na no-holds-barred kwentuhan– mula sa pang-araw-araw na buhay at ebolusyon ng eksena sa local hiphop, sa karanansan bilang itinuturing na ama ng FlipTop at UPRISING, hanggang sa pagiging bagong tatay sa bahay. Umupo, makinig, at samahan niyo kaming mag-real talk at deep dive ni Alaric Yuson sa kanyang pananaw sa iba’t ibang bagay, sa pagkatao, at sa natatanging perspektibo sa iba’t ibang isyu at sa mundo.
Listen up, yo! Taas-kamao!
… TIME!
| |||
| 269: Scary Relationship Stories w/ Krishna Amar & Drew Beso | 24 Oct 2023 | 00:39:42 | |
Panahon na naman ng katatakutan, pero para sa ating mga Fellow-22s, parang hindi multo ang nakakatakot? Bukod sa mga utility bills na due date na, ano pa nga ba? Kasama natin ang mga OG Fellow-22s, at close friends natin, na sila Krishna Amar at Drew Beso para sa isang effisode na puno ng kwentong katatakutan tungkol sa dating and relationships! BOOOOM! 'Wag palagpasin ang #GetsTogether ng tatlong magkakaibigan dahil #GetsKaNamin! Listen up 'yo na! | |||
| 268: Creative Entrepreneurship w/ Ceej Tantengco - Malolos | 18 Oct 2023 | 00:51:25 | |
Paano nga magmi-meet halfway ang pagiging creative at pagiging business-minded? Saan ba nagkakatugma ang kulit at pagiging seryoso? At ano nga ba ang Creative Entrepreneurship? Pinag-usapan lahat nang ‘yan sa ating latest effisode kasama ang award-winning writer, podcaster, and now the head of Partnerships and Business Development ng PumaPodcast – Ceej Tantengco-Malolos! BOOOOOM! Listen up ‘yo! | |||
| 267: DADDY DIARIES: Managing Pressure w/ Engr. Rene Sangalang | 13 Oct 2023 | 00:30:42 | |
Stressed? Sobrang pressured na sa buhay? Normal lahat ng nararamdaman natin about pressure, ang kailangan natin ay kung paano ba ito i-manage. Umuwi ulit ang ating podcast superstar sa bahay nila at muling nagkaroon ng kwentuhan sa kanyang daddy at daddy na rin ng lahat ng Fellow-22s - Engr. Rene Sangalang! BOOOOM! Isang buong effisode na naman ng masterclass about managing pressure and stress mula sa ating sensei. Listen up ‘yo na! | |||
| 266: HIKE, NAKO! 5 types of hikers sa gabundok na stress w/ Reich Carlos | 06 Oct 2023 | 00:54:57 | |
Sa harap ng dambuhalang tasks at gabundok na trabaho araw-araw, mapapasigaw na lang talaga tayo ng… HIKE, NAKO! Sa special effisode na ‘to, samahan niyong maglakbay ang partners-in-climb na sina Ali at Reich sa pagtukoy nila sa iba’t ibang klase ng hikers, sa pag-akyat at paglampas nila sa iba’t ibang bundok ng challenges sa everyday work and life. Mula sa literal na weekend climbers, pinakilala rin nila ang iba pang hikers na binubuno at nilalabanan ang bundok-bundok na trabaho at halimaw na traffic sa daan! Siguradong makaka-relate ang marami habang tumatawa, kikiligin at ma-iinspire sa mga kuwentong hiking sa loob at labas ng trail– kasama ang crunchy, chewy, fresh na Mentos! Listen up ‘yo! | |||
| 265: Tunay lamang ang mananatili w/ KJah | 01 Oct 2023 | 00:57:09 | |
Muling nagbabalik sa #TheLinyaLinyaShow-- ang isa sa pinakamalupit na lyrcist at isa sa pinakamatinik na makata sa mundo ng Pinoy rap-- si KJAH! Mula Camarin, tawid ng Novaliches-- nagkwentuhan kami ni KJah tungkol sa kanyang simulain sa mundo ng musika, sa pagbalanse ng kanyang career sa rap at sa kanyang day job, sa pananaw tungkol sa "hustle culture" at sa halaga ng edukasyon, at kung saan siya patuloy na dinadala ng kanyang dedikasyon. Tungkol sa iba pang bagay na tunay, na sabi nga nya ay "nakasalalay sa letra." Listen up ‘yo! Pakinggan din ang ang bagong album ni KJah sa ilalim ng UPRISING: https://open.spotify.com/album/4XmjaVD45HYh0nxiTZoVHl?si=ALrtsblrR4yAVKpry1v3cw Linya-Linya x KJah collab shirt: https://www.linyalinya.ph/products/kjah-uprising?_pos=1&_sid=3596d6c29&_ss=r | |||
| 264: SMALL, SLOW, & STEADY: On queer empowerment and dreams w/ Mela Habijan [VIDEO] | 23 Sep 2023 | 00:44:59 | |
Masaya at makabuluhan ang usapan tungkol sa queer visibility and representation on media, sa passion, sa pagkakapantay-pantay, sa pagtanggap, at sa pagmamahal-- kasama ang writer, host, actress, content creator, ang Miss Trans Global 2020 at matalik na kaibigan– Miss Mela Habijan! BOOOOOM! Isang paalala sa mga bagay na kahit tingin natin ay maliit, mabagal, at hindi pa ganap, pero ipinaglalaban natin dahil mahalaga; sa queer empowerment at sa patuloy na pangangarap. Listen up ‘yo! #TheLinyaLinyaShow | |||
| 362: Paglilingkod sa Lungsod w/ Naga City Mayor Leni Robredo | 11 Jul 2025 | 01:10:32 | |
Marhay na aldaw! Ipinakikilala: Naga City Mayor 👏 Leni. Robredo 👏 Boom! Maswerte tayong nakabisita at tinaggap sa opisina ni now Naga City Mayor Leni Robredo sa first week niya sa serbisyo. Mahaba ang araw ni Mayor at abalang-abala sa trabaho— clock in ng 7AM, clock out ng 830pm. Nabigyan nya rin tayo ng panahon para magkwento sa kanyang pagkapanalo, at sa simula ng kanyang bagong papel bilang lingkod-bayan— balik sa kanyang pinakamamahal na hometown sa Naga. Ano nga ba ang kanyang mga plano at pangarap para sa lungsod? Sa parating na 2028 at sa mga darating pang eleksyon, bukas pa ba syang tumakbo sa isang National position? Ano ang mga natutuhan nya sa nakaraang eleksyon, at ano ang payo nya sa ating mga kababayan sa pagpili ng mga susunod nating mga pinuno? Hindi lang sa Mabuting Pamamahala humantong ang usapan— umabot pa hanggang Mabuting Pagmamahalan. Humingi rin ng relationship advice sina Ali at Reich, lalo’t parating na ang kanilang nalalapit na kasalan. Pakinggan sa The Linya-Linya Show! Listen up yo! | |||
| 263: The Power of Collaboration w/ Syke | 18 Sep 2023 | 00:52:25 | |
Listen up ‘yo! It’s the Linya-Linya Show! BOOOOOM! Sa lahat ng fellow-22s, isa sa pinaka-pamilyar na linya ang intro sa rap song na lagi nating napapakinggan. Ngayon, sa ating pinakabagong effisode, kasama natin ang isa sa pinakamtinding rapper, makata, at spoken word artist ng bansa, at ang boses sa likod ng pamilyar na intro ng rap ng #TheLinyaLinyaShow– si SYKE! Tutuklasin natin kung paano nagsasama ang mga tao sa likod ng collaborations para makabuo ng makubuluhang mga obra. Makinig sa mga kwento, karanasan, at mga bagong inspirasyon sa proseso ng pagtutulungan. Tunay na may impact ang pagbubuklod ng iba’t ibang mga alagad ng sining at ito'y hindi ninyo dapat palampasin. Mag-tune in sa bagong episode ng 'The Linya-Linya Show' kasama si Syke! Listen up ‘yo! | |||
| 262: Paano ba maging mabuting tao sa isang malupit na mundo? w/ Bianca Gonzalez-Intal | 09 Sep 2023 | 00:54:15 | |
Marami akong naiisip na mahihirap na tanong tungkol sa buhay. Isa na rito ang: Paano ba maging mabuti, o mananatiling maging mabuti, sa mundong tila tinutulak tayong maging malupit at masama, para lang maka-survive o mag-succeed in life? Sama-sama nating itanong: PAANO BA ‘TO?! Buti na lang, ang kasama natin today, award-winning television host, model, podcaster, mother, Filipina– si Super Bianca Gonzalez-Intal. BOOM! Sulit ang bawat sandali– muni-muni at kwentuhan tungkol sa integrity, sa philosophy, sa pagkakabuti at sa pagpapakatao. ‘Wag na rin sayangin ang sandali at pakinggan na ang ating collab and crossover episode! Pakinggan din ang kasunod na episode sa Paano Ba ‘To: The Podcast! https://open.spotify.com/episode/2wYRDPII9EMQyZobSheS0n?si=b99cda92df634186 Listen up ‘yo! | |||
| 261: How to have self-control over budols w/ Salve Duplito | 31 Aug 2023 | 00:56:04 | |
Da save? O Dasurv? I-add-to-heart na ang bagong effisode natin, kasama ang TV and News personality, registered financial planner, journalist, development worker, good governance activist, education & reading advocate, content creator, superwoman at superfriend, SALVE DUPLITO! BOOM! Dalawang taon na ang lumipas mula noong unang guesting ng financial guru na si Salve sa #TheLinyaLinyaShow at ngayon, nagbabalik siya para tulungan tayo i-discern ang mga budol finds at sa mga deserve nating bagay! Paano na nga ba tayo makaka-save at makapag self-control sa pagbili ng kung ano-ano? Hmm, sama-sama tayong matuto! Listen up ‘yo na! | |||
| 260: Music and Guitar Picks w/ Chino Singson & Carljoe Javier | 24 Aug 2023 | 01:36:58 | |
Music lover? Yes? Sakto! Pinag-usapan, pinagkwentuhan, at muntik nang maging Music 101 ang ating bagong effisode kasama ang lead guitarist ng The Itchyworms na si Chino Singson (all the way from Canada!) at ang semi-regular guest at CEO ng PumaPodcast na si CarlJoe Javier!
| |||
| 259: Ganito kasi ang Gen-Z w/ Jacob & Lance of Ganito Kasi ‘Yan Podcast | 11 Aug 2023 | 01:09:54 | |
Paninindigan natin ang pagiging Fellow-22 sa bago nating effisode! As a fellow-Gen Z and young millennial, kasama natin ang isa sa Mr. Q and A Grand Finalist, isang striving scholar from Rizal, hosts ng Ganito Kasi ‘Yan podcast-- sina Jacob Maquiling and Lance Arevada! BOOOOOOOM! Tungkol sa cancel culture, sa workplace, at sa iba pang kulturang ginagalawan ng young adults ngayon sa perspektibo ng Gen Z! Kilalanin, unawain, at yakapin ang generation na nagshe-shape ng society natin ngayon! Listen up ‘yo na! | |||
| 258: Reigning in Manila w/ Pio and Raymond of Lola Amour | 03 Aug 2023 | 00:50:21 | |
Maulan pa rin at hindi pa tumitigil hanggang ngayon! Kaya naman, sa panibagong effisode natin, kasama natin ang dalawang members ng Filipino band that dabbles in the genres of modern rock, funk, and pop, at ang “dahilan” ng pag-ulan sa mga nakaraang araw - Pio and Raymond ng Lola Amour! BOOOOOOOM! Alamin ang ibang side nila Pio and Raymond bukod sa pagbabanda at alamin ang kwento sa likod ng viral hit nila na “Raining in Manila”! Sakto sa maulan na umaga, hapon, o gabi, kaya listen up ‘yo na! | |||
| 257: GABI NA NAMAN w/ Ian, Milley, and Pau of GNN Productions | 27 Jul 2023 | 00:50:40 | |
Maraming pangarap talaga ang nabubuo sa likod ng FX at Jolibee. Isa na doon ang pangarap nina Ian, Milley, at Pau– ang tatlong magigiting na nilalang sa likod ng Gabi Na Naman Productions! Kwentuhan tungkol sa pagsisimula at pangangarap, sa musika at pagkakaibigan, at higit sa lahat, tungkol sa pinaka-hihintay na event ngayong taon– ang #LinyaLinyaLand2023! BOOM! Makinig at samahan kaming tumawa, ma-inspire, at mangarap. Listen up ‘yo! | |||
| 256: Minsan parang gusto ko na lang maging cactus w/ Doc Gia Sison [VIDEO] | 20 Jul 2023 | 00:25:34 | |
Maulan na, pero habang nagdidilig si Ali ng cactus, may bisita ulit tayo sa ating #TheLinyaLinyaShow stud-yo!
BOOOOOOOM! Kwentuhan tungkol sa quiet quitting, honing, boundaries, at kung anu-ano pang lessons from a cactus. Kaya listen up ‘yo na! | |||
| 255: PPop Revolution w/ 1st.One | 14 Jul 2023 | 00:41:13 | |
Ang PPop ba ay OPM? O ang OPM ba ay PPop? Kilalanin ang Pinoy Pop scene sa Pilipinas mula sa six-member P-Pop boy group that debuted last 2020 – sina Ace, Max, Alpha, Joker, J, and Jayson– ang nag-iisa at nangunguna, 1st.one! BOOM! Kwentuhan tungkol sa kanilang grupo, sa eksena, kasama pa ang experience ni Ali sa isa pang sikat na PPop group. May nasali pa ngang tanong: Pwede nga ba si Manny Pacquiao maging part ng PPop? Lahat ‘yan, nandito sa bago nating effisode! Power to the PPop, and listen up ‘yo! | |||
| 254: Kaya, kinakaya, at kakayanin pa w/ KAIA [VIDEO] | 11 Jul 2023 | 00:54:20 | |
5! 6! 7! 8! PPOP BOOM!!!Sa ating special effisode, kasama natin ang five-member Filipino girl group na nag-uumapaw sa talent, sa energy, at sa kulit! Sila na nga ang magpapa-turn up ng saya natin ngayon– sina Angela, Charice, Charlotte, Alexa, at Sophia! KAIA IS HERE SA THE LINYA-LINYA SHOW! Sumamang makipagkantahan, kwentuhan, at tawanan kasama ang KAIA– kaya listen up ‘yo na! | |||
| 361: Larue Larue w/ Hausmates Improv | 04 Jul 2025 | 01:06:21 | |
Biglaang kulitan episode kasama ang fun, fearless and VERY fresh improv theater group na Hausmates! Alamin kung paano na-construct ang kanilang 'Haus' at kung paano nila nagawang ma-feature ang bawat uniqueness ng kada member ng improv group na ito. Iba-iba ng atake sa comedy, improv at paglalakbay sa buhay— ito na nga siguro ang reason bakit intertwined ang roads nila! Alamin din kung totoo nga ba ang rumors na si Ali ang bagong member ng Hausmates! Pakinggan sa The Linya-Linya Show! Listen up yo! If you're interested in collaborating with our podcast through brand partnerships, advertisements or other collabs, please send an email to our management: info@thepodnetwork.com | |||
| 253: E.A.T.’s SHOWTIME! Deep dive on Noontime Shows & Broadcast Networks w/ LJ Sanchez | 06 Jul 2023 | 01:24:25 | |
Papapa parapapa… mula Batanes ikaw na nga! 🎶 Pagkatapos ng isang makasaysayang araw sa industriya ng telebisyon at noontime shows noong July 1, nakasama natin at nakakwentuhan ang award-winning poet, teacher, critic, at associate professor ng Broadcast Communication sa UP Diliman– si Sir LJ Sanchez!!! BOOOOOOOM! Makinig na, kahit hindi tanghali, sa ating latest effisode sa makabuluhang deep dive ng mga palabas na kasama natin tuwing tanghalian! Listen up ‘yo! | |||
| 252: LITTLE SWISS PHILIPPINES w/ Kim Reyes | 30 Jun 2023 | 00:40:42 | |
DID YOU KNOW na ang Swiss Miss, hindi pala gawa sa Switzerland? BOOM! Gulat ka ‘no? Kami rin! Magugulat din kayo sa ganda, saya, at pagka-heartwarming ng bago nating episode! Kwentuhang Switzerland at Pilipinas, pagiging Pinoy sa ibang bansa at pagiging Swiss sa Pilipinas, at ang halaga ng pagkakaibigan, gaano man kalayo ang pagitan. Lahat ‘yan, kasama ang isang creative, resourceful, at highly motivated individual, who enjoys planning and decorating events (ayon sa kanyang LinkedIn profile, hehe); isang International Business Management graduate with Marketing Analytics Minor, at isa sa OG Linya-Linya fan at Fellow-22 – KIMBERLY REYES! BOOOOOM! Catch up podcast effisode with a low maintenance friend. Listen up ‘yo!! | |||
| 251: WALANG PRENO w/ Victor Anastacio | 27 Jun 2023 | 01:04:42 | |
Non-stop, no-holds-barred, no breaks— parang nasa expressway na walang tollgate ang kwentuhan ng ating podcast superstars Ali and Vic! Hindi nila kinailangang magpainit ng makina para sa episode na ‘to dahil humaharurot talaga ang usapan nila tungkol sa kotse, kotse, at marami pang kotse! Alamin ang iba’t ibang kwento mula kay Tita (at sino ba si tita?!), sa bagong sasakyan ni Ali (si Harvey), at ilang tips para sa mga naghahanap ng brand new or second hand na sasakyan! ‘Wag mo papalagpasin ‘to, kaya humanap na ng drive para mag Listen up ‘yo! | |||
| 250: Laking manual pero ‘matic magmahal w/ Stanley Chi | 23 Jun 2023 | 00:53:19 | |
Ops, kung anuman ang ginagawa mo, preno ka muna. Sabayan nyo kami sa isang swabeng episode, na perfect pakinggan habang bumibiyahe, nagko-commute, o nasa roadtrip! Basta ingat lang, at mahirap magmaneho, o baka maka-distorbo, kapag tawa nang tawa! Haha! Ang kasama natin today, isang comedian, cartoonist, TV host, columnist, book author, podcaster, car enthusiast, car vlogger– ang Suplado in the City, at ang nag-iisang Senpai ng Turbuhan– Mr. Stanley Chi! BOOM!!! Kung saan-saan umabot ang usapan– mula simulain ni Stanley sa mundo ng advertising and marketing, hanggang sa maging public figure, sex symbol (wuw haha), mga kamukha nya sa industriya, sa pagmamaneho, at sa recent collab nya with Linya-Linya!Tara na, sakay na, and listen up, yo! | |||
| 249: May tagumpay sa pagiging sablay w/ Engr. Rene Sangalang | 17 Jun 2023 | 00:31:59 | |
PAGBATI SA MGA HALIGI NG TAHANAN! Isang special effisode ngayong Father’s Day, kasama ang nag-iisang daddy podcast superstar - Engr. and Sensei Rene Sangalang! BOOOOM! Kwento ng kanyang mga karanasan sa trabaho at buhay, at kung paano nya tinitingnan ang failures bilang pagkakataon para magtagumpay. Maligayang araw ng mga tatay sa mga daddy, papa, at itay natin sa buhay! Listen up, yo! | |||
| 248: Ngumiti, tumindig, at magpatuloy w/ Atty. Leni Robredo [VIDEO] | 08 Jun 2023 | 00:41:49 | |
Kung kinukumusta natin ang isa’t isa makalipas ang higit isang taon– from campaign rallies, to house-to-house, hanggang election day– mabuting kumustahin naman natin ang taong naging inspirasyon sa marami, nagsilbing ilaw sa madilim na panahon, at isa ring self-confessed #1 Linya-Linya fan, si Atty. Leni Robredo! BOOOOOM! From Bhutan to Butuan, House 2 House to Heart 2 Heart, hanggang volunteerism to public service– samahan niyo kami sa isang masayang kumustahan at makabuluhang kwentuhan.
Tara na sa bagong studio and listen up ‘yo, The Leni-Linya Show!
| |||
| 247: Cobra, Beer, & Hoops w/ Rafe Bartholomew [VIDEO] | 02 Jun 2023 | 01:08:40 | |
Malapit na ang FIBA World Cup at yes— Pilipinas ang Host! Titigil na naman ang mundo ng mga Pilipino dahil sa basketball. Kaya naman, nauna na kaming pag-usapan ang kinababaliwang sport ng mga Pinoy kasama ang New York Times Bestselling author, The Athletic staff writer, host of The Global Bounce Podcast, at Pinoy-by-heart hooper na si RAFE BARTHOLOMEW! BOOOOOOOM! Siyempre, habang parehong nagdudugo ang mga ilong, nagkwentuhan na rin tayo with Rafe tungkol sa pandesal-cobra combo, bars, at kung anu-ano pang masayang experience ni Rafe sa Pinas! Don’t miss this and get your head in the game! Listen up ‘yo! | |||
| 246: 22 w/ a Fellow 22: Julemar Mojas - Ang kwento ng nawawalang daliri | 30 May 2023 | 00:25:23 | |
Isang normal na araw, pagpasok ni Ali sa Linya-Linya office, nagbago ang ihip ng hangin at may nakitang rare Fellow 22– si Julemar Mojas– sa office! BOOOOOM! Isang matinding kwentuhan tungkol sa mga adventure ni Julemar at ng kanyang nawawalang daliri. Ano nga ba ang nangyari rito? Paano nawala? Nasaan na ang daliri niya ngayon? Ito, at kung anu-ano pang kwentong nakakatuwa (pero makabuluhan)! Chill na effisode para sa chill na araw, listen up ‘yo! | |||
| 245: Pasok sa callroom w/ Doc JB Besa & Doc Ella Masamayor | 26 May 2023 | 00:45:02 | |
THE NEW EFFISODE IS IN! Ano nga ba ang “callroom”? Why do they call this room a “callroom”? May nangyayari bang kababalaghan sa loob ng mahiwagang silid na ‘to? Ang mga sagot dyan, aalamin nating lahat ‘yan!Mula sa kung ano ang technique sa pagkain sa buffet, pumunta sa mga medical drama, hanggang sa doctor content creators– samahan kami sa funny x educational usapan with Doctors JB Besa and Ella Masamayor - BFFs na host din ng Kwentong Callroom Podcast! BOOOOOOOOM! The Doctors are in, kaya pasok na, and listen ‘up yo! | |||
| 244: Kailangan pa bang i-memories ‘yan? #SaTotooLang w/ Doc Gia Sison | 19 May 2023 | 00:34:14 | |
Pagkatapos ng ilang taon, at ilang Zoomustahans at recordings via Zoom, nakapagkita rin ulit sina Ali at Doc Gia! In Person! At may video pa! BOOOOOM!Konting kumustahan na punong-puno ng kulitan. Haha. Kumusta na nga ba tayong lahat? Marami ka rin bang feelings sa mula sa Facebook memories mo 1 year ago? May pa-sneak peak pa ng Linya-Linya show stud-YO! ‘Wag mo palampasin ‘to! Samahan sina Ali at Doc Gia sa isang nakakatuwa at nakakatawang episode! Isang mahigpit na YAKAP and listen up, ‘yo! | |||
| 360: Ayos ka rain e, 'no? - Livin' The Filipino Life w/ Victor Anastacio | 27 Jun 2025 | 00:40:58 | |
SUS! PEN! DED! SUS! PEN! DED! Panahon na naman ng tag-ulan. Sa Livin' The Filipino Life episode na 'to, tamang reminisce lang sina Ali at Vic sa childhood memories hatid ng ulan, at kung ano rin ang ibig-sabihin nito ngayong all-out adulting na sila. May konting patak ng kaseryosohan, pero buhos ang kulit-- ihanda na ang mainit-init na kape, o goto habang nakikinig ng nostalgic episode na 'to! Listen up, yo! If you're interested in collaborating with our podcast through brand partnerships, advertisements or other collabs, please send an email to our management: info@thepodnetwork.com | |||
| 243: INAY WILL ALWAYS LOVE YOU - #MommyDiaries w/ Olive Sangalang | 14 May 2023 | 00:45:22 | |
Inay ko po!
Ito na nga! Ang pinaka-inaabangan, pinakahihintay, at pinakamatinding episode sa balat ng podcasts! Isang hapon, habang walang ginagawa, hinatak ko syang mag-record, at wala na ngang nagawa ang nanay ko, ang special guest natin ngayon— si Mommy OLIVE SANGALANG! BOOOOM!
Kung may #DaddyDiaries, hindi naman pwedeng hindi magkaroon ng #MommyDiaries. Isang nakakatuwa at heartwarming na kwentuhan tungkol sa pagiging nanay at pagpapalaki sa makukulit (pero mababait) na anak. Ang special ng moment na ‘to sa akin. Sharing the love to you all!
Have Inay’s Day sa lahat ng ating mga minamahal na Mama! Listen up’ yo!! #LinyaLinyaShow
| |||
| 242: Si Lualhati Bautista bilang isang ina at iba pang kwento w/ Daya delos Santos | 09 May 2023 | 01:12:03 | |
Kilala nating lahat si Lualhati Bautista bilang isang manunulat, isang babaeng tinitingala ng marami dahil sa mga kwentong binigyang-buhay niya sa pamamagitan ng mga nobelang kanyang isinulat. Sa episode na ito, nakakwentuhan ni Ali ang isa sa mga anak ni Ma’am Lualhati Bautista-- si Daya Delos Santos– kung saan maririnig natin ang ilan sa mga kwento tungkol kay ma’am Lualhati bilang isang ina at isang natatanging indibidwal. Mas ma-inspire pa at matuwa sa mga personal anecdotes na ngayon lang natin malalaman! BOOOM! | |||
| 241: JAPANVENTURES: Culture, Friendships, & Life Concepts | 04 May 2023 | 00:41:30 | |
Ang isa sa pinakahihintay na episode ng mga Fellow-22s! Kasama ang nag-iisang Engr. Rene Sangalang - BOOM! Kwentuhan tungkol sa naging girlfriend sa Japan pati sa mga konsepto na makakatulong sa ating lahat upang maging mas productive at maging mas mabuti at magaling na tao – makitawa at matuto sa paglalakbay natin sa The Land of the Rising Sun!Break muna sa ramen, takoyaki at sushi! Listen up ‘yo! | |||
| 240: What’s good food in the hood? w/ Carljoe Javier | 28 Apr 2023 | 00:47:59 | |
Alas-kwatro nang hapon, nagutom ka, lumabas ka ng bahay, mahangin, at may nakita kang usok sa kanto. ALAM NA THIS! Automatic, isaw and ihaw cravings satisfied! Samahan pa ng betamax, tenga, balun-balunan, fishball, tokneneng, kikiam, at malamig na buko juice! SARAP! Sure na nakakatakam ang episode na ‘to— kasama ang writer at podcaster, fellow-22, isang malapit na kaibigan, at isa rin palang foodie -- si CARLJOE JAVIER! BOOM!Samahan kaming mag-reminisce ng mga kainan at mag-crave ng iba’t ibang putahe at ulam! LISTEN UP ‘YO! | |||
| 239: Kumitid ba, o committed na? w/ Victor Anastacio | 21 Apr 2023 | 00:37:41 | |
Paano mo masasabing committed ka sa isang tao, kahit hindi kayo kasal? Paano kung kasal na kayo– may papeles nga, pero wala naman talagang commitment? Kumitid, o commited? WOW, ANG SERIOUS.
| |||
| 238: The Modern Makata w/ Leandro Reyes | 17 Apr 2023 | 00:49:30 | |
Mga bata, magsi-upo na kayo. Magsisimula na ang ating kwento tungkol sa Modern Makata! BOOM! Sa pagiging apo ni Severino Reyes, na kilala rin bilang Lola Basyang, ikinuwento ni Leandro Reyes ang malawak na nagagawa ng isang modern makata: ang proseso at kolaborasyon ng iba’t ibang mga manunulat at spoken word artists, para mapakita na ‘there’s more to being a poet and storyteller.' Samahan niyo kami sa masaya at makabuluhang kwentuhang ito. Listen up, yo! | |||
| 237: Walang Aray w/ Gio Gahol and Marynor Madamesila [VIDEO] | 11 Apr 2023 | 00:54:19 | |
Sa episode na ‘to, may nakasama tayong two very special and talented guests from PETA’s comeback show– Walang Aray– Gio Gahol and Marynor Madamesila. BOOM! Tungkol sa teatro at pag-ibig: Pinoy culture and society, isang dekadang Gio, rising from the lockdown, kwentuhang array of aray’s, the joy of shared laughter, at ang totoong dahilan kung bakit tinawag na ‘palabas’ ang isang palabas. Tumindig, umibig, and listen up, yo! | |||
| 236: HIKE, NAKO! w/ Jim Bacarro and Saab Magalona [VIDEO] | 05 Apr 2023 | 00:27:30 | |
Welcome sa planning ng Linya-Linya Executive Retreat 2023. Kasama, walang iba, syempre kundi ang Linya-Linya and WUWJS mom and dad, my best friends, Jim and Saab Bacarro – BOOM!Kwentuhang outdoor adventures: Akyat sa bundok, life-threatening van rides, skydiving sa LA, at pagplano ng Pico de Loro, Caliraya, atbp.
Ang tanong: Matutuloy kaya ‘to?
| |||
| 235: Tito Talks w/ Makoy Pare of Machong Chismisan | 30 Mar 2023 | 01:06:57 | |
Kasama natin sa episode si Makoy Pare, host ng longest-running comedy podcast sa buong Pilipinas, ang Machong Chismisan!
Tinalakay at pinagchismisan namin ang kung ano-anong ka-Tito-han-- transition to Titohood at iba't ibang Typical Pinoy Tito, pagsisimula ni Ramon Bautista ng "funny is the new pogi" movement, idea na hindi lahat ng Atenista ay burgis at anak ng congressman (haha), pagbawi at pagbibigay sa mga magulang.
Ang chill kausap, matatawa ka na mapapatango-- para ka talagang nakipagkwentuhan sa mga paborito mong Tito.
Kaya mga pamangkin at inaanak-- approved ng mga Tito kahit maglabas pa kayo ng beer at pulutan-- listen up, yo!
| |||
| 234: HIGH SCHOOL OPM HITS w/ Victor Anastacio | 22 Mar 2023 | 00:49:27 | |
Intro pa lang, nakaka-ghostbumps na agad! Nagbabalik ang paborito niyong podcast superstar duo and critically-acclaimed musicians – Ali and Vic in the house! BOOM! Parang isang buong Jingle Magazine ang na-cover namin sa episode na ‘to. Usapang Highschool OPM Classics ba naman? Parang nasa Fair lang? Kwentuhan at kantahang puno ng tawanan at harmonization; ‘di lang convo, may soundtrip pa kayo. Listen up, yo! (kanta rin, syempre hehe) | |||
| 359: Tayo-Tayo w/ Ali Sangalang | 20 Jun 2025 | 00:33:52 | |
Yo! Mabilisang episode lang! Catch up with Ali sa mga ganap at ongoing projects na nangyayari behind the scenes sa Linya-Linya. Saan-saan na din nararating ng Linya-Linya dahil sa napaka angas at mahusay na community natin! Listen up, yo! If you're interested in collaborating with our podcast through brand partnerships, advertisements or other collabs, please send an email to our management: info@thepodnetwork.com | |||
| 233: DOG SHOW TO GOD SHOW w/ Romar Chuca | 16 Mar 2023 | 00:47:28 | |
Magsitayo ang lahat, dahil sa episode na ‘to, nakasama natin ang isang Ateneo Management graduate, former teacher and Linya-Linya member, and now a Social Economic Enrichment Development Officer for indigenous people, content creator and TikTok star, Romar Chuca – BOOM!
Tungkol sa haha sa Hallelujiah: Ang halaga ng tawa sa pananampalataya, saan at paano humuhugot ng inspirasyon sa mga religious skits, at kung ba’t hindi kailangang maging boring ng pagiging banal.
Sumainyo rin, and listen up, yo!
| |||
| 232: The Art of Tunganga w/ Manix Abrera [VIDEO] | 08 Mar 2023 | 01:05:22 | |
Nagbabalik sa pod: Award-winning and internationally-recognized comic book artist and author, Ten Outstanding Young Men 2022 awardee, at ang creator ng News Hardcore at Kiko Machine, Manix Abrera – BOOM!
Kwentuhang nagsimula sa kape sa gabi, sa parol at mga nangangaroling, na napunta sa self-care via tunganga, flow of creativity, Let It Go ni Elsa, hanggang sa brainstorming session ng mga linya. Malaman, masaya, at magandang paalala kung bakit mahalagang bigyan ng oras ang sarili at ang mga nagpapasaya sa’tin.
Laging magbigay ng oras para mabuhay, and listen up, yo!
| |||
| 231: Tambike Session w/ Lester Babiera | 01 Mar 2023 | 00:53:04 | |
Bigyang-daan natin ang guest for this episode: AB Journalism graduate ng UST, writer, photographer, cycling advocate, founder and owner of First Bike Ride, and host of Tambike Session podcast – Lester Babiera – BOOM! Kwentuhang bisikleta: Riding with friends, semplang throwbacks, safe at responsibleng pamimisikleta, at ang patuloy na laban para sa mga karapatan ng bikers at pedestrians. Padyak lang and listen up, yo! | |||