Explorez tous les épisodes du podcast Raqi’s Secret Files
| Titre | Date | Durée | |
|---|---|---|---|
| Ikakasal na ako, pero mahal ko pa rin ang Ex ko | 09 Sep 2026 | 00:15:20 | |
Ibinahagi ng sender ang kanyang kwento ng tungkol sa mga naiwang emosyonal na sugat at mula sa nakaraang relasyon habang naghahanda sa pagsisimula ng bagong buhay kasama ang kanyang kasalukuyang fiancé. Hanggang kailan siya mumultuhin ng ex niya? Ito ang secret file ni Ann. | |||
| Si Biyenan ang kontrabida sa buhay namin | 08 Sep 2026 | 00:23:11 | |
Ang letter sender ay isang inang handang gawin ang lahat para mailigtas at ipaglaban ang kanyang anak, kahit pa harapin niya ang takot, hirap sa pera, at masasakit na salita mula sa sariling pamilya ng kanyang asawa. Sa kabila ng lahat, pinatunayan niyang walang pagsubok ang kayang tumbasan ang lakas ng pagmamahal ng isang ina. Ito ang secret file ni Lei. | |||
| Pinagsabay ko ang tropa at girlfriend ko | 07 Sep 2026 | 00:19:44 | |
Ibinahagi ng letter sender ang pagdadalawang-isip niya habang pinagsasabay ang kanyang girlfriend niya at ang katrabaho niya na pareho niyang minamahal sa kabila ng mga kinakaharap na komplikasyon. Hanggang kailan kaya siya magiging two-timer? Ito ang secret file ni Alex. | |||
| Nabighani ako ng misteryosong babae sa ilog | 06 Sep 2026 | 00:12:31 | |
Ang sender ay hindi inaasahang nakahanap ng pag-ibig matapos siyang mailigtas ng isang babae sa ilog. Dahil sa simpleng pagkakataong iyon, nagsimula ang kanilang pagkakaibigan na nauwi sa isang magandang relasyon, kahit magkalayo sila at may kanya-kanyang responsibilidad sa pag-aaral. Ito ang secret file ni Ralph. | |||
| Pinapakain ako ng kamao ng Asawa ko | 03 Sep 2026 | 00:19:12 | |
Ibinahagi ng ating sender na nadali siya ng lalaking magaling lang sa umpisa. Habang tumatagal, ang taong pinakasalan niya ay nag-iibang anyo pala. Hanggang kailan niya papanindigan ang pagiging asawa sa isang taong hindi naman nirerespeto ang pagkatao niya? Ito ang secret file ni Lyka. | |||
| Nahuli siyang kumakanta sa mikropono ng ibang lalaki | 03 Sep 2026 | 00:19:53 | |
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng komplikadong sitwasyon niya—isa siyang kabit kahit alam niyang may asawa at pamilya na ang kinakabitan niya. Ang problema, ginawa lang siyang kabit para makaganti sa kasalanang 'di naman siya ang gumawa. Hanggang kailan niya titiisin ang pagiging backup? Ito ang secret file ni Lex. | |||
| Mahal ko ang Best Friend ko, pero pangit kasi ako | 31 Aug 2026 | 00:16:42 | |
Ibinahagi ng ating letter sender na mula noon at hanggang ngayon, mahal niya na ang best friend niya. Ang tanging problema niya lang ay pangit daw siya. Hanggang kailan siya magiging insecure at dapat nga ba niyang i-ruin ang friendship? Ito ang secret file ni Mark. | |||
| Tiniis ko ang pagloloko niya kasi binuntis niya ako | 31 Aug 2026 | 00:19:53 | |
Ibinahagi ng sender ang na kahit paulit-ulit siyang niloko, pinipilit niyang kumapit dahil takot siyang maranasan ng kanyang mga anak ang hirap ng lumaki sa broken family. Hanggang kailan pipiliin ni Elise ang pamilyang matagal nang sira? | |||
| Kabit lang ako, pero ako ang gusto niyang ibahay | 26 Aug 2026 | 00:19:15 | |
Ibinahagi ng sender ang kanyang karanasan nang makipagrelasyon siya sa isang lalaking pamilyado na. Aminado naman ang lalaki niya na mas masarap daw kapag silang dalawa ang magkasama, kaya inaalok niya ito ng mahigit Php 15,000 para manatili lang sa kaniya. Hanggang kailan kaya matitiis niya ang setup na nakakasakit 'di lang sa kaniya, kun'di sa pamilya rin ng iba? Ito ang secret file ni Jay. | |||
| Si Papa ang nakauna sa‘kin imbes na asawa ko | 25 Aug 2026 | 00:16:20 | |
Ibinahagi ng sender ang madilim niyang nakaraan at kung paano ito patuloy na nanggugulo sa buhay-mag-asawa nila ngayon. Nahihirapan pa rin siyang magtiwala nang lubusan dahil sa mga sugat na iniwan ng kanyang pamilya at dating karelasyon. Hanggang kailan kaya bibitbitin ng sender ang masakit na katotohanang nauna ang papa niya imbes na asawa niya? Ito ang secret file ni Diva. | |||
| May kabit at pamilya na pala ang asawa kong OFW | 24 Aug 2026 | 00:17:39 | |
Ibinahagi ng sender ang masakit na karanasan niya bilang isang asawa ng OFW. Sa isang simpleng Facebook notification lang, nasira ang pamilyang inalagaan niya ng mahigit 11 years. Hanggang kailan titiisin ni Mae ang lahat ngayong nahuli niyang may kabit at pamilya na pala ang asawa niyang OFW? Ito ang secret file ni Mae. | |||
| Nahuli ko ang Girlfriend ko at ang Boy Best friend niya | 20 Aug 2026 | 00:13:33 | |
Ibinahagi ng sender ang isang masakit na katotohanan sa likod ng kanilang relasyon ng kaniyang girlfriend at ang boy best friend nito. Hanggang kailan niya kayang magbulag-bulagan sa harap ng katotohanang mas pinili ng girlfriend niya ang iba kaysa sa kanilang relasyon? Ito ang secret file ni Andy. | |||
| Inahas ko ang Boyfriend ng kumupkop sa‘kin at proud ako | 19 Aug 2026 | 00:12:34 | |
Ibinahagi ng Secret File Sender na ang pag-ibig ay nakakahibang talaga. Matapos siyang kupkupin ng isang pamilya abroad, nagawa niya pa rin silang suklian ng pagtataksil na ikakasira ng relasyon nila sa isa't isa. Hanggang kailan kaya magiging proud si Lia na inahas niya ang boyfriend ng kumupkop sa kaniya? Ito ang secret file ni Lia. | |||
| Ginagawa akong katulong ng pamilya ng partner ko | 18 Aug 2026 | 00:16:20 | |
Ibinahagi ng sender ang hirap na nararamdaman niya sa loob ng 13 taong pagsasama. Akala niya ay matitiis niya pa, pero habang siya ay naghihintay ng kasal at sariling tahanan, ang taong mahal niya ay parang walang balak ibigay ang mga ito. Hanggang kailan siya mananatiling sunud-sunuran sa relasyon nila? Ito ang secret files ni Glory. | |||
| Ginawa kong ATM ang mga kabit ko | 17 Aug 2026 | 00:16:08 | |
Ibinahagi ng Secret File sender ang sikretong matagal niya nang itinatago sa asawa niya. Sa likod ng kanilang pagsasama, may katotohanan na unti-unting nabubunyag sa bawat pagkakataong siya ay gipit sa pera. Hanggang kailan kaya niya mapagtatakpan na ginagawa niyang ATM ang mga kabit niya? Ito ang secret file ni Albert. | |||
| Iba ang nakabuntis sa Girlfriend ko, pero ako ang nag-alaga | 12 Aug 2026 | 00:18:49 | |
Ibinahagi ng sender ang isinakripisyo niya para sa maling tao. Sa kabila ng paulit-ulit na panloloko, sinubukan niya pa ring kumapit hanggang sa unti-unting mabunyag ang isang mas malalim at mas masakit na katotohanan. Ito ang secret file ni Kim. | |||
| Ka-eyeball ko kanina, ka-bullseye ko mamaya | 10 Aug 2026 | 00:18:45 | |
Ibinahagi ng sender ang kanyang kakaibang love story na nagsimula sa isang textmate at clan meetup noong 2006, kung saan nakilala niya si Jenny at agad nabuo ang kanilang koneksyon. Makalipas ang dalawampung taon, ang kanilang hindi pangkaraniwang simula ay nauwi sa habambuhay na pagmamahalan. Ito ang secret file ni Tukoy. | |||
| Nagbigay ako ng pera sa babaeng hindi ko pa nakikita | 31 Jul 2026 | 00:17:24 | |
Ibinahagi ng sender kung paano siya unti-unting nahulog sa isang babaeng nakilala lamang niya sa isang dating app. Dahil sa tiwala at pagmamahal na nabuo sa pagitan nila, hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ito sa oras ng pangangailangan. Ngunit sa unang pagkakataong nagkita sila nang personal, isang nakakagulat na katotohanan ang tuluyang nagpabago sa lahat. Ito ang secret file ni Jason. | |||
| Umaasa na lang ako sa himala para sa paggaling ng anak ko | 30 Jul 2026 | 00:16:49 | |
Ibinahagi ng sender ang masakit na paglalakbay nila bilang mga magulang matapos mapansing nahuhuli sa development ang kanilang anak na si Jim. Mula sa pag-asang normal lang ang lahat, isang diagnosis ang tuluyang nagpabago sa kanilang buhay at nagtulak sa kanilang kumapit sa pag-asa at himala para sa kinabukasan ng kanilang anak. | |||
| Hindi lang pera ang nawala kundi pati kapatid ko | 29 Jul 2026 | 00:14:31 | |
Isang retiradong ina ang buong pusong ipinagkatiwala ang kanyang retirement fund sa investment na ipinakilala ng sarili niyang anak. Ngunit nang mawala ang pera, kasabay rin nitong naglaho ang kanyang anak, na tuluyang umiwas at pinutol ang lahat ng komunikasyon. Sa huli, napilitan silang magsampa ng reklamo hindi dahil sa paghihiganti, kundi para ipaglaban ang tama. Isang masakit na kuwento ng pagtitiwala, pagtataksil, at pamilyang nasubok hindi lang ng perang nawala, kundi ng relasyong tuluyang nabasag. | |||
| Secretary ako ng Boss ko at kabit niya ako | 28 Jul 2026 | 00:10:27 | |
Ibinahagi ng ating sender kung paanong ang trabahong nakuha niya para tulungan ang pamilya ay naging dahilan para maging kabit siya. Ito ang secret file ni Lily. | |||
| Naglakas-loob lang ako noong ikakasal na siya sa iba | 24 Jul 2026 | 00:20:11 | |
Matagal nang lihim na minahal ng sender ang matalik niyang kaibigang, ngunit pinili niyang manahimik sa takot na masira ang kanilang pagkakaibigan. Habang hinihintay niya ang tamang panahon para umamin, may ibang lalaking dumating, minahal ng kaniyang iniibig, at nauwi pa sa kasalan. Bilang best friend, ang sender pa mismo ang naging saksi sa bawat hakbang ng babaeng mahal niya papalayo sa kanya. Ngunit sa mismong araw ng kasal, nang tanungin ng pari kung may tumututol sa pag-iisang dibdib, isang desisyon ang maaaring tuluyang magbago sa kapalaran nilang lahat. Ito ang secret file ni Rene. | |||
| Natatakot akong matulog sa tabi ng Asawa ko | 23 Jul 2026 | 00:14:30 | |
Ibinahagi ng sender ang takot na bumabalot sa kanya matapos siyang saktan ng sariling asawa sa kanilang honeymoon. Bagama't humihingi ito ng tawad at nagsisikap magbago, aminado siyang hanggang ngayon ay natatakot pa rin siyang matulog sa tabi ng lalaking minsang nagparamdam sa kanya ng panganib. Ito ang secret file ni Erica. | |||
| Nanloko ako ng iba para sa sugal | 22 Jul 2026 | 00:15:29 | |
Ibinahagi ng ating sender kung paano siya nalulong sa sugal hanggang sa naloko niya ang mga katrabaho at maging ang sarili niyang mga magulang para lamang may maipangtaya. Nang mawala ang lahat at mawalan na rin siya ng pag-asang mabawi ang kanyang buhay, isang tawag mula sa kanyang ina ang nagpabago sa kanyang isip at nagbigay sa kanya ng dahilan upang muling lumaban. Ito ang secret file ni Dennis. | |||
| Isang pagkakamali ang sumira sa kasal na pinapangarap ko | 21 Jul 2026 | 00:15:27 | |
Ibinahagi ng ating sender kung paano nasira ang pangarap nilang kasal matapos siyang magkamali sa isang gabing nalasing at nagtaksil sa kanyang fiancée. Nang magpositibo siya sa isang sexually transmitted infection, pinili niyang umamin sa lahat. Sa halip na galit, katahimikan at luha ang isinukli ng babaeng mahal niya kasabay ng desisyong tuluyan nang kanselahin ang kasal nilang matagal nilang pinangarap. Ito ang secret file ni Rambo. | |||
| Hindi natuloy ang kasal namin sa simbahan dahil sa pamilya ko | 17 Jul 2026 | 00:19:14 | |
Ibinahagi ng ating sender kung paano nauwi sa secret civil wedding ang pangarap nilang church wedding matapos makialam ang kanyang pamilya sa halos bawat detalye ng kasal. Sa halip na hayaan ang iba ang magdikta sa kanilang buhay, pinili nila ng fiancé niyang si Warren na unahin ang kanilang kapayapaan kahit pa nauwi ito sa sama ng loob at galit ng sarili niyang ina. Ito ang secret file ni Candy. | |||
| Noong nawala si Ate, doon lang namin nalaman ang sikreto niya | 16 Jul 2026 | 00:23:21 | |
Ibinahagi ng ating sender ang masakit na kuwento ng biglaang pagkamatay ng kanyang ate na si Jasni matapos lumala ang inaakala nilang simpleng impeksyon. Habang pilit nilang ipinagdarasal ang paggaling nito, isang lihim ang unti-unting nabunyag matapos ang kanyang pagpanaw isang sikretong hindi nila inakalang matagal na pala nitong kinikimkim. Ito ang secret file ni Rocky. | |||
| May inggiterang kapitbahay ako na ipinagtanggol ng partner ko | 15 Jul 2026 | 00:15:07 | |
Ibinahagi ng sender ang kanyang sama ng loob matapos siyang maging sentro ng tsismis ng isang kapitbahay na umano'y naiinggit sa kanya. Ngunit higit siyang nasaktan nang ang sarili niyang live-in partner ang nagtanggol sa kapitbahay. Kalaunan, nalaman niyang dating magka-live in ang dalawa, dahilan upang lalo siyang magduda at magtanong kung mali bang masaktan dahil hindi siya ang piniling kampihan ng taong mahal niya. Ito ang secret file ni Gloria. | |||
| Nahuli ko ang Asawa ko na nakad*d* sa Hipag ko | 14 Jul 2026 | 00:12:39 | |
Ibinahagi ng sender ang masakit na karanasan nang mahuli niya ang kanyang asawa sa isang hindi inaasahang sitwasyon kasama ang kanyang hipag—ang mismong taong pinagkatiwalaan niyang tumulong sa pag-aalaga at pagpapasuso sa kanilang sanggol. Dahil sa hirap ng buhay at kawalan ng ibang matutuluyan, lalo siyang nalilito kung pipiliin pa bang ilaban ang kanilang pamilya o unahin na lamang ang kapakanan nila ng kanyang anak. Ito ang secret file ni Regine. | |||
| Isinakdal ko ang sarili kong anak para sa ikabubuti niya | 10 Jul 2026 | 00:19:55 | |
Ibinahagi ng sender ang masakit niyang karanasan bilang isang solo parent na buong pusong pinalaki ang kaisa-isa niyang anak matapos silang iwan ng ama nito. Habang lumalaki si Juancho, unti-unti niyang napansin ang pagiging sinungaling, tuso, at mapanlamang nito. Sa kabila ng lahat ng pangaral at disiplina, dumating ang puntong napilitan siyang isakdal ang sarili niyang anak, sa paniniwalang iyon ang tanging paraan para maituwid ang landas nito at mailigtas sa mas malaking kapahamakan. Ito ang secret file ni Nerissa. | |||
| Ginamit lang ako para guminhawa ang buhay nila | 09 Jul 2026 | 00:21:53 | |
Ibinahagi ng sender ang kwento kung paano siya naniwalang nakatagpo na ng panibagong pag-ibig matapos ang isang bigong relasyon. Ngunit habang nagpapakahirap siya sa abroad para sa kinabukasan ng kanilang pamilya, unti-unti niyang natuklasang ang mga pangarap at pinaghirapan niya ay napupunta pala sa unang pamilya at sa iba pang babae ng kanyang asawa. Sa kabila ng paulit-ulit na pagtataksil at pagpapatawad, isang balita ang dumating na inakala niyang tuluyan nang magbabago sa kanyang asawa. Ito ang secret file ni Athena. | |||
| Ang awa naming mga Anak ang ginamit niya | 08 Jul 2026 | 00:19:05 | |
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng muling pagbabalik ng amang matagal nang nang-iwan sa kanilang pamilya. Dahil sa awa, tinanggap nila ito matapos sabihin na hindi na ito makalakad at kailangan ng pag-aaruga. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, isang madaling-araw na eksena ang nagbunyag ng isang nakakagulat na katotohanan na muling sumira sa tiwalang pilit nilang ibinabalik. Ito ang secret file ni Pamela. | |||
| Kaya raw ako dalhin sa Amerika basta pakasalan ko lang daw siya | 07 Jul 2026 | 00:18:52 | |
Ibinahagi ng sender ang kwento ng kanyang childhood friend na lihim palang nagmahal sa kanya sa loob ng maraming taon. Akala niya ay simpleng pagkakaibigan lang ang namamagitan sa kanila, ngunit isang pag-amin ang nagbunyag na siya pa rin ang mahal nito kahit may sarili na itong pamilya. At nang muli silang magkausap, isang alok ang tuluyang nagpayanig sa kanyang puso isang pangakong dalhin siya sa Amerika at pakasalan kung bibigyan niya ito ng pagkakataon. Ito ang secret file ni Kaye. | |||
| Nahuli ko si Lolo at ang kasamabahay namin na nagbebembangan | 03 Jul 2026 | 00:19:58 | |
Ibinahagi ng sender ang kwento ng sikretong natuklasan niya habang wala sa bansa ang kanyang mga magulang. Matapos niyang mahuli ang kanyang lolo at kasambahay sa isang hindi inaasahang sitwasyon, nalaman niyang may mas malalim pa palang dahilan sa kanilang relasyon. Ngunit habang pilit niyang iniingatan ang sikreto ng pamilya, hindi niya namalayang unti-unti na rin siyang nahuhulog ang loob sa babaeng minsang kinagalitan niya. Ito ang secret file ni Kiko. | |||
| May pamilya ako, pero pakiramdam ko mag-isa ako | 02 Jul 2026 | 00:22:07 | |
Ibinahagi ni ang kwento ng paglaking may pamilya pero pakiramdam ay iniwan at nakalimutan. Habang pilit niyang binubuo ang sarili sa kabila ng sakit at pangungulila, isang diagnosis ang dumating na lalo pang nagpabigat sa kanyang pinagdadaanan. At doon niya muling natanong hanggang kailan ba kakayaning lumaban kapag pakiramdam mo mag-isa ka? Ito ang secret file ni Raquel. | |||
| Pumayag akong maging pangalawa | 01 Jul 2026 | 00:23:11 | |
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng pagmamahal na akala niya ay hahantong sa masayang pamilya. Sa loob ng dalawang taon, naniwala siyang mahal at tatanggapin siya ng lalaking minahal niya hanggang sa habang buntis siya, isang tawag ang nagbunyag ng katotohanan: may kinakasama at mga anak na pala ito. Sa kabila ng sakit at pagtataksil, dumating siya sa puntong pinag-isipan pa ring manatili dahil nalaman niyang hindi naman pala kasal ang lalaki pero kapalit noon ay ang tanong kung hanggang saan ba dapat ipaglaban ang pag-ibig kapag may nasasaktan nang iba. Ito ang secret file ni Honey. | |||
| Gagalawin ng Mister ko ang ibang babae para sa pera | 30 Jun 2026 | 00:24:30 | |
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng labing-isang taon niyang pagsalo sa utang, responsibilidad, at paulit-ulit na pagkakamali ng kanyang asawa para lang mabuo ang kanilang pamilya. Habang siya ang walang tigil na nagtatrabaho at lumalaban para sa kanilang mga anak, nalaman niyang habang buntis siya sa kambal ay may iba na palang babae ang kanyang mister. At doon niya napagtanto na minsan, mas masakit kaysa kahirapan ang maramdamang ikaw na lang ang natitirang lumalaban sa relasyon. Ito ang secret file ni Christine. | |||
| May gusto akong sabihin sa taong minsan kong minahal | 26 Jun 2026 | 00:17:27 | |
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng isang damdaming nagsimula sa simpleng pagkikita online at unti-unting naging mas malalim kaysa sa inaasahan niya. Sa bawat kwentuhan, kumustahan, at pagdamay sa mga pinagdadaanan ng babaeng minsan niyang minahal, unti-unti niyang nabuo ang pag-asang baka may lugar din siya sa puso nito. Pero, habang lumilipas ang panahon nagsimula siyasng magtanong na kung huli na ang lahat bago niya pa masabi ang mga salitang matagal na niyang kinikimkim? Ito ang secret file ni Chito. | |||
| Hindi lahat ng babalik ako, may kasunod na pagbabalik | 25 Jun 2026 | 00:25:07 | |
Ibinahagi ng sender ang kwento kung paano naging bahagi ng araw-araw nilang buhay ang rider na si Kuya Sonny sa gitna ng kanilang maliit na negosyo noong panahon ng pandemya. Sa una, tila hindi magkasundo ang alaga nilang aspin na si Bantay at ang palaging naghahatid ng kanilang mga supply, pero sa pagdaan ng panahon, napalitan ng paghihintay at pagkasabik ang dating tahol at pag-iwas. Ngunit isang araw, bigla na lang nawala si Kuya Sonny sa nakasanayang pagdating niya. At nang malaman nila ang totoong dahilan, doon nila mas naunawaan na may mga ugnayang nabubuo sa simpleng kabutihan at may mga naghihintay na hindi marunong makalimot. Ito ang secret file ni Tonton. | |||
| Hindi na ako papayag na maging side chick | 24 Jun 2026 | 00:24:43 | |
Ibinahagi ng sender ang pinagdaanan niya sa isang relasyong unti-unting sumira sa tiwala niya at nag-iwan ng maraming sugat. Akala niya ay tapos na ang lahat nang piliin niyang lumayo, pero nang muling bumalik si Xian sa buhay niya, bumalik din ang mga damdaming pilit niyang tinatago. | |||
| Muntik na akong madali ni Father | 23 Jun 2026 | 00:23:55 | |
Ibinahagi ng ang ating sender ang kwento ng kanyang simpleng buhay bilang tindera sa palengke na biglang nagkaroon ng kulay nang makilala ang isang mabait, magalang, at misteryosong lalaking madalas mamili sa kanilang pwesto. Mula sa simpleng banggaan at paghingi ng numero, nauwi ang kanilang pagkakaibigan sa madalas na pagkikita at unti-unting pagkahulog ng loob. Ngunit, sa isang gabing akala niya ay ordinaryong salu-salo lang matapos ang mahabang araw, may nangyari na hindi niya inaasahan isang katotohanang maaaring tuluyang magbago ng tingin niya sa lalaking pinili niyang pagkatiwalaan. Ito ang secret file ni Sylvia. | |||
| Anak ng Ex ko ang Boyfriend ko ngayon | 18 Jun 2026 | 00:19:13 | |
Ibinahagi ng sender ang lihim na pag-ibig nila ng isang lalaking pamilyado at mas matanda sa kanya. Matapos ang tatlong taong, pinili niyang tapusin ito at magsimulang muli. Sa bagong trabaho, nakilala niya ang isang bagong lalaking nagparamdam sa kanya ng pagmamahal na hindi kailangang itago. Akala niya, ito na ang bagong simula na matagal niyang hinihintay. Ngunit nang makilala niya ang pamilya nito, natuklasan niyang ang ama nito ay ang lalaking minsan niyang minahal. Ito ang secret file ni Hannah. | |||
| Niloko at ginamit lang ako ng babaeng pinakamamahal ko | 17 Jun 2026 | 00:18:43 | |
Ibinahagi ng sender ang pagsisikap niyang makaahon sa hirap para mabigyan ng mas maayos na buhay ang pamilya niya. Nang dumating si Fatima sa buhay niya, akala niya ay natagpuan na niya ang taong makakasama sa pagbuo ng mga pangarap niya. Pero habang ibinibigay niya ang lahat para mapasaya ito, unti-unti niyang napansin ang mga bagay na nakakapangduda—pagmamahal nga ba ang meron sa kanila, o may kapalit ang lahat ng ibinibigay niya? Ito ang secret file ni Andoy. | |||
| Sinaktan ako ng Daddy ko | 17 Jun 2026 | 00:16:36 | |
Ibinahagi ng sender ang tungkol sa kanyang Daddy, na minsang naging kakampi at sandalan niya noong bata pa siya. Ngunit habang lumalala ang dementia, dumating ang araw na hindi na siya nakilala ng sarili niyang ama. Sa gitna ng sakit at pamamaalam, natuklasan niya na kahit nakalimutan ng isip ang pangalan at mukha niya, nananatili pa rin sa puso ng kanyang Daddy ang pagmamahal sa kanya bilang anak. Ito ang secret file ni Patty. | |||
| Ayoko na ituloy ang kasal dahil marami pala siyang utang | 16 Jun 2026 | 00:19:19 | |
Ibinahagi ng ating sender ang halos apat na taong relasyon nila ni Joy na nauwi sa engagement. Ngunit isang buwan bago ang kasal nila, may natuklasan siyang matagal na itinatagong lihim nito—isang katotohanang nagdulot sa kanya ng matinding pagdududa kung itutuloy pa ba niya ang pakikipag-isang dibdib o tuluyan na itong bibitawan. Ito ang secret file ni Niño. | |||
| Naging kabit ako ng isang Pulis | 12 Jun 2026 | 00:28:13 | |
Ibinahagi ni ang kwento ng pagiging isang single mother na muling nasaktan matapos mabigo sa pag-ibig. Sa gitna ng kanyang mga pinagdadaanan, naging malapit siya sa isang pulis na may sariling pamilya hanggang sa nauwi ang kanilang pagkakaibigan sa isang bawal na relasyon. Akala niya ay matatapos na ang lahat nang piliin niyang lumayo, ngunit isang hindi inaasahang muling pagkikita ang nagbukas muli ng isang lihim na pilit na niyang tinatakasan. Ito ang secret file ni Em. | |||
| Inaral ko ang pagkuha ng ebidensya para mahuli ko ang BF ko | 11 Jun 2026 | 00:29:14 | |
Ibinahagi ng ating sender ang kwento kung paano niya iniwan ang kanyang nobyo para sa isang dating kaklase na nangakong mamahalin at paninindigan siya. Sa kabila ng mga babala at mga babaeng lumalapit upang ilantad ang tunay na ugali ng lalaki, pinili niyang magtiwala. Ngunit nang magduda siyang may itinatago itong lihim, inaral niya kung paano mangalap ng ebidensya at doon nagsimulang mabunyag ang katotohanang hindi niya inaasahan. | |||
| Ikaw pa rin ang pipiliin kahit tutol ang pamilya mo | 10 Jun 2026 | 00:18:25 | |
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng kanyang pagmamahal sa girlfriend niya, isang gurong buong puso niyang minahal at pinangarap makasama habambuhay. Ngunit, matapos magbago ang pakikitungo ng pamilya nito at pilitin silang paghiwalayin, unti-unting nasubok ang kanilang relasyon. Sa gitna ng sakit at pagsubok, isang insidente sa kanyang trabaho bilang pulis ang tuluyang nagpabago sa takbo ng kanilang buhay. Ito ang secret file ni KG. | |||
| Ngayon ko lang nalaman ang sikreto ng asawa ko | 09 Jun 2026 | 00:21:33 | |
Ibinahagi ng sender ang kwento ng kanyang tila perpektong pamilya at huwarang asawa na nakilala niya pa sa kanilang simbahan. Ngunit, matapos ang ilang buwan mula nang isilang ang kanilang panganay, unti-unting nagbago ang ikinikilos nito hanggang sa isang palihim na pag-check sa cellphone ang tuluyang nagbunyag sa isang napakasakit at nakakagulat na sikreto. Ito ang secret file ni Maricel. | |||
| Isang buwan na lang, hindi mo pa nakita ang anak natin | 05 Jun 2026 | 00:34:35 | |
Ibinahagi ng sender kung paano muling nagkrus ang landas nila ng kanyang high school crush matapos siyang maging single mom. Sa kabila ng distansya at mahigpit na pagsasanay bilang sundalo ng lalaki, nanatiling matatag ang kanilang komunikasyon at unti-unting nabuo ang isang pag-iibigan na puno ng pangako at pag-asa. Ngunit habang lumalalim ang kanilang relasyon, may mga hamong darating na susubok kung sapat ba ang pagmamahal para talunin ang panahon at tadhana. Ito ang secret file ni Angi. | |||